BPATs Mobilization, isinagawa sa Julita Leyte
Nagsagawa ng Barangay Peace-keeping Action Team (BPATs) Mobilization ang mga tauhan mula sa Julita Municipal Police Station sa Julita, Leyte noong gabi ng Enero 1, 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Captain Esteven M. Pagtabunan, Acting Chief of Police ng Julita Municipal Police Station kasama ang Barangay Peace-keeping Action Team ng nasabing lugar.
Ang aktibidad ay naglalayong paigtingin ang seguridad sa komunidad sa pamamagitan ng presensya ng pulis at BPATs.
Ang inisyatibang ito ay upang magkaroon ng ugnayan sa mga mamamayan at upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan.