Community Outreach Program, isinagawa sa MisOr
Matagumpay na isinagawa ang outreach program handog ng Assistant Administrator’s Office sa Brgy. Digkilaan, Manticao, Misamis Oriental nito lamang ika-3 ng Enero 2025.
Mahigit 117 pamilya sa nasabing barangay ang nakatanggap ng mga regalo mula sa opisina.
Ilan sa mga ipinamigay ay bigas, food packs at cash prizes habang namigay din ng loot bags, ice cream at cotton candy para sa mga bata.
Nanguna sa event sina Manticao Mayor Stephen Tan, kasama si Vice Mayor Roberto Lagrosas, mga SB members nito, Digkilaan Barangay Captain, Johnny Bahian at miyembro ng konseho, Ms. Queenie Faelnar, APA, OIC at iba pa.
Bahagi ito ng pagnanais na mabawasan ang kahirapan sa lalawigan alinsunod sa SDPI Program at PAGLAUM Development Agenda ni Gobernador Unabia na may letrang “P” para sa Participatory Governance at titik “U” para sa Unified Efforts for Health and Social Services.