KKDAT, nagsagawa ng outreach program sa South Cotabato
Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ginanap sa Tantangan Central Elementary School, Poblacion, Tantangan, South Cotabato nito lang ika-6 ng Enero 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng KKDAT Tantangan, katuwang ang Tantangan Municipal Station at mga guro ng Tantangan, Central Elementary School.
Humigit-kumulang 150 na mag-aaral ang nakatanggap ng school supplies at masustansyang pagkain sa nasabing aktibidad.
Layunin ng mga ganitong programa na makatulong sa mga kabataang mag-aaral ng Tantangan, Central Elementary School na higit na nangangailangan.