Advocacy Support Group, naghatid ng tulong sa gitna ng pagsubok ng Kanlaon Eruption sa Negros Occidental

Sa gitna ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon, naghatid ng malasakit at pagkakaisa ang Lions Clubs International District 301-B1 Philippines sa pamamagitan ng pagsasagawa ng relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan sa lungsod ng La Carlota at bayan ng La Castellana, Negros Occidental nito lamang ika-14 ng Enero 2024.

Matagumpay na naipamahagi ang higit sa 600 emergency food packs, 600 hygiene at toiletry kits, 2,000 ready-to-eat food packs, at 600 kiddie happy packs. Ang mga ito ay inihatid sa mga evacuation centers, kabilang ang La Carlota City College Cubay Campus (108 pamilya o 328 indibidwal), La Carlota South II Elementary School (102 pamilya o 386 indibidwal), La Carlota Gymnasium (20 pamilya o 68 indibidwal), at La Castellana National High School – Junior High (366 pamilya o 1,166 indibidwal).

Labis ang pasasalamat ng mga kalahok sa tulong at saya na hatid ng grupo katuwang ang kapulisan na nakapag-antig ng kanilang puso.

Layunin ng aktibidad na ito na agarang makapagbigay ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, hygiene kits, at iba pang kinakailangang suporta para sa mga internally displaced persons na pansamantalang nananatili sa mga evacuaton centers.

Ang mga ganitong inisyatibang gawa ay nagpapatunay ng dedikasyon ng grupo sa paglilingkod sa komunidad at sa pagtulong sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna.

Patuloy nilang pinapalaganap ang diwa ng pagkakaisa at malasakit upang maging ilaw ng pag-asa para sa mga pamilyang dumaranas ng pagsubok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *