BIDA Program, nilahukan ng mag-aaral ng Santa Fe National High School sa Leyte

Nakilahok ang mga mag-aaral ng Santa Fe, National High School sa isinagawang BIDA Program ng Santa Fe Municipal Police Station sa Brgy. Zone 1, Santa Fe, Leyte nito lamang Enero 20, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Santa Fe Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Glenn P Chavero, Officer-In-Charge, kasama ang mga guro ng Santa Fe, National High School.

Tninalakay sa aktibidad ang RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at mga masamang epekto ng ilegal na droga at ang mga parusang ipinapataw sa ilalim ng implementing rules ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, NTF-ELCAC kaugnay ng Buhay Ingatan Drugay Ayawan, Special Laws RA 9262, RA 7610, RA 11313 at hikayatin ang mga estudyante upang suportahan ang pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad, patuloy ang mga tagapagtaguyod ng BIDA na hikayatin sila sa mga aktibidad laban sa iligal na droga, kaya lumilikha ng pangmatagalang epekto tungo sa pagbawas ng paglaganap ng droga sa mga komunidad.

Layunin ng aktibidad na isulong ang Drug Awareness Prevention Campaign na binabawasan ang demand at supply ng droga sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga komunidad at pagpapataas ng kamalayan ng publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *