Serbisyong Iliganon Caravan 2025, isinagawa

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Pamahalaang Lokal ng Iligan City sa naisagawang Serbisyong Iliganon Caravan sa Brgy. Santiago, Iligan City nito lamang ika-23 ng Enero 2025 .

Ang programa ay nilahukan ng Social Security System, Philhealth at City Engineers Office, City Agriculturals Office, City Information Office,City Veterinarians Office, Task Force Iligan City, kasama ang mga personahe ng Iligan City Police Office na namahagi rin ng tulong sa mga residente ng barangay.

Kasama sa mga serbisyong inaalok ay ang mga libreng check-up at gamot mula sa City Health Office. Namahagi rin ng mga seedlings mula sa Agricultures Office, nagkaroon ng libreng gupit at eyebrow trimming mula sa serbisyo ng Gender and Development.

Kasama rin ang libreng bakuna sa mga hayop, libreng bunot ng ngipin,libreng tahi sa mga sirang sapatos,mga krayola para matutong gumuhit ang mga bata at malinang ang kanilang tinatagong talento, pagpaparehistro ng mga Senior Citizen, Person with Disability o (PWD), Late Registration sa City Civil Registrar, National ID mula sa Philippine Statistics Authority, at mga serbisyo ng iba pang pambansang ahensya.

Mahigit 300 na benepisyaryo ang naabutan ng saya sa mga serbisyong pangkalusugan, libreng gamot, free legal assistance, livelihood, libreng konsulta at iba pa na makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

Layunin ng aktibidad na ito na mabigyang tuon at maipabatid sa mga taong labis na nangangailangan ng atensyong medikal na makakatulong sa kanila sa pagpapaunlad ng kanilang kalusugan at pamumuhay tungo sa ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *