Mag-aaral ng Don Mariano Elementary School, nakiisa sa Anti-Bullying at Crime Prevention Lecture

Naging aktibong tagapakinig sa isinagawang lecture ng mga tauhan ng Davao Sur Police Provincial Office ang mga mag-aaral ng Don Mariano Elementary School nito lamang Enero 24, 2025.

Ang talakayan ay nakatuon sa mahahalagang aspeto ng Anti-Bullying Act at pagbibigay ng mga proaktibong hakbang upang maiwasan ang krimen. Inilahad rito ang mga pangunahing bahagi ng Anti-Bullying Act, kabilang ang mga karapatan ng mga biktima, ang mga hakbang na dapat gawin upang mapigilan ang pambubulyo, at ang mga kaukulang parusa para sa mga lumalabag.

Kasama din sa mga naipaliwanag ang pagiging responsable sa paggamit ng social media, ang pagpapahalaga sa personal na kaligtasan, at ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at maagap sa pagtukoy ng mga posibleng banta sa komunidad.

Ang talakayan ay hindi lamang nagsilbing isang edukasyonal na aktibidad, kundi isang pagkakataon para sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa kanilang mga tungkulin bilang kabataan at bilang kasapi ng komunidad na may responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

Ang ganitong uri ng mga aktibidad ay nagpapalakas ng kamalayan ng kultura ng paggalang at malasakit sa bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *