Libreng School Supplies, ipinamahagi ng Women’s Advocacy Support Group sa mga mag-aaral sa Palawan

Namahagi ang Women’s Advocacy Support Group ng mga libreng school supplies at mga laruan sa mga estudyante ng Day Care Center sa Brgy. Mendoza, Roxas, Palawan nito lamang ika-24 ng Enero 2025.
Katuwang ng grupo ang kapulisan ng 2nd Palawan PMFC sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Roel A Tattao, Acting Force Commander at mga tauhan mula sa 10th Special Forces Company, 5th Special Battalion.
Bukod dito nagsagawa din ang grupo ng feeding program, libreng gupit, at iba’t ibang palaro para sa mga bata at kanilang mga magulang na lubos naman nilang pinasasalamatan.