Flu Vaccination Drive, isinagawa ng Minister of Health sa Maguindanao del Sur

Matagumpay na naisakatuparan ang isinagawang Flu Vaccination Drive ng mga tauhan ng Minister of Health (MOH) sa mga tauhan ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-28 ng Enero 2025.

Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga personahe ng PNP Provincial Medical Team sa kasama ang Provincial Health Unit ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office, upang matiyak ang kalusugan at kagalingan ng mga tauhan ng pulisya sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksyon laban sa trangkaso.

Ito rin ay isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang resistensya habang patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa pagseserbisyo sa komunidad. Ipinapakita ng ganitong mga inisyatiba ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan bilang pundasyon ng isang masigla at epektibong pwersa ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *