Barangay Officials, nakibahagi sa Symposium Activity sa Maria, Siquijor

Masigasig na nakiisa ang mga opisyales ng barangay sa Symposium Activity na ginanap sa Brgy. Bonga, Maria, Siquijor, noong ika-29 ng Enero 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Maria Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Saldy B Villocillo, Officer-In-Charge.

Tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, at iba’t ibang batas gaya ng RA 9262 (Violence Against Women and Children), RA 11313 (Safe Spaces Act), at RA 7610 (Proteksyon sa mga Bata Laban sa Pang-aabuso). Bukod dito, nagbigay din ng crime prevention tips ang mga pulis upang mas mapanatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.

Ang ganitong kaalaman ay mahalaga upang mapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa pagsugpo ng krimen.

Sa ilalim ng adhikain ng “Bagong Pilipinas,” patuloy na magsisikap ang kapulisan upang masigurong ligtas at mapayapa ang bawat Pilipino.

Ang mga ganitong aktibidad ay patunay na ang PNP ay patuloy na naglilingkod nang may malasakit at dedikasyon sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *