Bloodletting Activity, isinagawa sa Palawan
Matagumpay na isinagawa ang Pansagip Dugong Alay donation drive sa Robinsons Palawan nito lamang ika-30 ng Enero 2025.
Ang blood donation drive ay inorganisa sa pakikipagtulungan sa mga Palawan chapters ng Philippine Red Cross, Philippine Dental Association, JCI Puerto Princesa Peacock, Inc., at Haim Chicken.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga uniformed personnel mula sa hanay ng kapulisan, Philippine Navy, PCG, at BJMP.
Layunin nitong makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at mapanatili ang sapat na suplay sa mga blood bank para sa mga pasyenteng may malubhang karamdaman, aksidente, o operasyon para sa mas maayos na pamumuhay ng mga mamamayan.