Mga mag-aaral ng Pablo Roman NHS, lumahok sa ACM Nationwide Roadshow para sa Halalan 2025
Nakilahok ang mga mag-aaral ng Pablo Roman National High School sa Automated Counting Machine (ACM) Nationwide Roadshow na ginanap sa Barangay Hall ng Brgy. Panilao, Pilar, Bataan nito lamang ika-28 ng Enero 2025.
Pinangunahan ito ng Election Officer III na si Ms. Hilda R. Rodrigo.
Kasama din ang mga guro at kawani ng PRNHS upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa makabagong sistema ng pagbibilang ng boto para sa darating na Pambansa at Lokal na Halalan at BARMM Parliamentary Elections.
Binigyang-diin sa roadshow ang kahalagahan ng ACM sa pagpapabilis, pagpapahusay, at pagpapatibay ng integridad ng proseso ng halalan.
Dumalo rin ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station upang mas maunawaan ang teknolohiyang ito at matiyak ang maayos at ligtas na pagpapatupad ng aktibidad.
Pinagtibay ng inisyatibang ito ang modernisasyon ng eleksyon habang pinapalakas ang tiwala, kredibilidad, at transparency sa sistemang pampulitika.
Tiniyak naman ng Pilar PNP, ang seguridad ng ACM at kaligtasan ng lahat ng lumahok sa nasabing programa.