Miyembro ng BPAT’s, sumailalim sa talakayan at pagsasanay sa Catanduanes

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Councils at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa 24 na barangay ng San Miguel, Catanduanes nito lamang Pebrero 18, 2025. 

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Jonnel L Bonguyan, Chief of Police, kasama ang Pagsangahan R-PSB Team, Philippine Army, Bureau of Fire Protection (BFP), at MDRRMO. 

Ang pagsasanay ay isinagawa sa unang araw ng Katarungang Pambarangay at Barangay Tanod Enhancement Training na nilahukan ng mahigit 150 na lokal na opisyal at miyembro ng BPAT.

Ang pagsasanay ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatiba ng  LIGA ng mga Barangay at suporta ni Mr. Salvador Vargas, MLGOO IV, na layuning magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga kalahok ukol sa iba’t ibang aspeto ng seguridad at kaayusan sa barangay. Kabilang sa mga tinalakay na paksa ang First Responder, Blotter Report Writing, VAWC Awareness, Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, mga Safety Tips, at Demonstrasyon ukol Arresting Techniques.

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagsasanay sa mga miyembro ng BPATs at mga Barangay Officials kung paano magsulat ng tamang Blotter Report, isang mahalagang kasanayan sa dokumentasyon ng mga insidente sa barangay. 

Ang sesyon ukol sa VAWC Awareness ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata, at ang mga hakbang na maaaring gawin upang matulungan ang mga biktima.Pinag-usapan din ang mga isyu ng Anti-Terrorism at Anti-Illegal Drugs, kung saan binigyan diin ang kaalaman tungkol sa mga kasalukuyang banta sa seguridad sa kanilang mga komunidad at kung paano ito matutugunan. 

Nagkaroon din ng isang mahalagang bahagi ang pagturo ng tamang pamamaraan ng pag-aresto at mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga opisyal at mga sibilyan kasunod ang pamamahagi ng kaalaman sa mga Safety Tips.

Layunin ng aktibidad ay mapalakas ang kooperasyon at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at komunidad upang masiguro ang isang ligtas at maayos na pamumuhay para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *