TESDA, nagsagawa ng pagsasanay sa organikong pagtatanim sa Maasin, Iloilo

Iloilo- Patuloy na isinusulong ng TESDA Sta. Barbara, Iloilo ang makabagong pagsasanay sa agrikultura sa isinagawang “Produce Organic Concoctions and Extracts” nito lamang ika-16 ng Pebrero 2025 sa Barangay Bolo, Maasin, Iloilo.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team Bolo, kasama ang mga opisyal ng barangay at iba pang stakeholders.


Pinangunahan naman ni Mrs. Eva P. Fabales, STESD Specialist, ang pagsasanay kung saan tinuruan ang mga kalahok kung paano gumawa ng fermented fruit at plant juices, indigenous microorganisms, at iba pang organikong extracts.
Ang programang ito ay naglalayong isulong ang sustainable agriculture at bigyang-lakas ang mga mamamayan sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman sa organikong pagsasaka at pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, pinapalawak ng TESDA ang kanilang naabot sa mga liblib na lugar upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng oportunidad sa pagsasanay, kabuhayan, at pag-unlad.
Kasabay nito, ipinapakita rin ng ating kapulisan ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng mahahalagang programa ng gobyerno sa mga nangangailangang komunidad, na nagpapalakas sa ekonomiya, kasanayan, at pagiging self-sufficient ng mga mamamayan.