KKDAT Lecture, isinagawa sa Mabini Elementary School Ormoc City

Nagsagawa ng isang makabuluhang talakayan ang kapulisan na aktibong nilahukan ng mga mag-aaral ng Mabini Elementary School at mga residente ng Brgy. Mabini, Ormoc City nito lamang Pebrero 19, 2025.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Ormoc City Police Station 6, Community Affairs and Development Section and Women and Children Protection Desk sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Reydante E Ariza, City Director.

Tinalakay ang paksa ukol sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 11313 o “Anti-Bastos Law” sa grade 4 hanggang grade 6 pupils ng nasabing paaralan.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, natutulungan ang kabataan na maging mulat sa mga isyu at nagiging mas handa sila na iwasan ang masasamang bisyo at mga iligal na gawain.
Ang naturang aktibidad ay nagbibigay ng tamang gabay upang makapag-ambag ang kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad at nagtataguyod ng responsableng pamumuhay na malayo sa krimen at karahasan.