KKDAT Solana Chapter, nakiisa sa monitoring ng Communal Garden sa Solana

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Solana Chapter sa isinagawang monitoring sa komunal na hardin sa Barangay Padul, Solana, Cagayan nito lamang ika 19 ng Pebrero, 2025.
Pinangunahan ni Police Corporal Charie Laddaran, Pulis sa Barangay (PSB) ng Solana Police Station sa ilalim ng Cagayan Police Provincial Office ang nasabing aktibidad katuwang ang mga Barangay Tanod at mga miyembro ng KKDAT ng Solana.


Layunin ng nasabing aktibidad na mas hikayatin ang mga residente na ipagpatuloy at pagyamanin ang kanilang hardin. Sa pamamagitan nito, magkakaroon sila ng masustansyang pagkain para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Bukod dito, nakikita rin ang komunal na hardin bilang isang mabisang paraan upang madagdagan ang kanilang kita.
Mahalagang mapanatili ang ganitong mga proyekto sa barangay upang makatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan at makapagbigay ng alternatibong mapagkukunan ng pagkain. Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng komunal na hardin ay nakatutulong hindi lamang sa aspetong pinansyal kundi pati na rin sa pagpapalakas ng samahan at kooperasyon sa pagitan ng mga residente.
Patuloy na makikiisa ang grupo ng kabataan sa ganitong mga aktibidad katuwang ang iba pang ahensya at organisasyon upang masiguro ang kaayusan at kaunlaran sa barangay.