Integrated Territorial Defense System Seminar, isinagawa sa Siaton Negros Oriental
Integrated Territorial Defense System Seminar, isinagawa sa Siaton Negros Oriental

Naisakatuparan ang pagsasagawa ng Integrated Territorial Defense System (ITDS) Seminar sa Barangay Mantiquil, Siaton, Negros Oriental noong Pebrero 18, 2025.
Pinangunahan ito ng Siaton Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Marve D Bolay-og, Chief of Police, katuwang ang 11th Infantry (Lapulapu) Battalion, Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ng Siaton, at mga opisyal ng barangay.


Kabilang sa mga kalahok ang iba’t ibang sektor ng barangay, mga Barangay Officials, Barangay Lupon, Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Day Care Workers, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang Non-Governmental Organizations (NGOs).
Isa sa mga mahahalagang bahagi ng seminar ay ang masusing talakayan tungkol sa mga kasalukuyang programa ng pamahalaan, pagpapalakas ng sistema sa pagrereport ng insidente, pagsasanay sa tamang paggamit ng posas sa pag-aresto, at paghahanda sa mga sakuna.
Sa pamamagitan ng programang ito, lalong napalalim ang pakikiisa at partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad.