Barangay Tanod sa Iloilo, sumailalim sa Training of Trainers

Barangay Tanod sa Iloilo, sumailalim sa Training of Trainers

Sumailalim sa Tanod Academy Training of Trainers (TOT) ang mga dedikadong miyembro ng Barangay Tanod mula sa Barangay Cabuguana at Cawayan, Carles, Iloilo nito lamang ika-19 ng Pebrero 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Carles Municipal Police Station sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMaj Sonny Boy D Garnace, hepe ng naturang istasyon.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga lokal na tagapangalaga ng kaayusan upang mapalakas ang kooperasyon ng bawat isa sa komunidad.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, matututo ang mga tanod kung paano tugunan ang mga isyu sa seguridad, magresponde sa mga emerhensya, at tiyakin ang kaayusan sa kanilang mga barangay. Ang mga Barangay Tanod, bilang mga unang guwardiya ng komunidad, ay binigyan ng kapangyarihan at sapat na kasanayan upang maging mas epektibo sa kanilang mga tungkulin at maghatid ng mas maayos na serbisyo.

Ang mga Barangay Tanod mula sa Barangay Cabuguana at Barangay Cawayan ay naging halimbawa ng dedikasyon at malasakit sa kanilang komunidad. Ang kanilang aktibong partisipasyon sa Tanod Academy Training of Trainers ay nagpapakita ng kanilang seryosong pangako na maglingkod ng tapat at magsilbing protektor ng kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng kanilang pagsasanay, mas magiging handa sila sa pagtugon sa mga hamon ng seguridad at emerhensya sa kanilang mga barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *