Information Awareness Drive, isinagawa sa Lucban Quezon
Information Awareness Drive, isinagawa sa Lucban Quezon

Naging matagunpay ang isinagawang Information Awareness Drive na ginanap sa Benito Pilar Yao Social Hall, Municipal Building, Barangay 8, Lucban, Quezon Province nito lamang Lunes, ika-3 ng Marso 2025.


Pinangunahan ng Local Government Unit sa pamumuno ni Hon. Agustin Villaverde, Municipal Mayor kasama ang mga LGU personnel, Sangguniang Bayan Members, Sabgguniang Barangay, Advocacy Support Groups, NGOs, Barangay Tanod/BPATs members, volunteers at dumalo rin si PMaj Bryan A Vicedo, Acting Chief ng Lucban Municipal Police Station.
Tinilakay ang paksa ukol sa National and Local Election, ilegal na droga, mga panganib sa kalusugan dulot ng ilegal na droga, Drug Clearing Operation, Community Mobilization at Anti-Criminality Campaign.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay naglalayon na mabigyan pa ng dagdag kaalaman ang mga mamayan lalo sa batas para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at mapanatiling ligtas tungo sa Bagong Pilinas na puno ng pag-asa at pagbangon.