KKDAT Symposium, isinagawa sa Barbara Pangasinan 

KKDAT Symposium, isinagawa sa Barbara Pangasinan 

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang symposium at talakayan sa Brgy. Cablong, Sta. Barbara, Pangasinan nito lamang ika-3 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Sta Barbara PNP at tinalakay ng mga tagapagsalita ang iba’t ibang isyu at alalahanin na bumabalot sa ating lipunan, kabilang ang pagpigil sa krimen, mga masamang epekto ng paninigarilyo at epekto ng ilegal na droga.

Binigyang-diin ng mga kasapi ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga mamamayan at ng lokal na kapulisan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at magsulong ng kamalayan sa mga kabataan tungkol sa panganib ng paggamit ng ilegal na droga at ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *