Advocacy Support Group, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Bacolod City

Advocacy Support Group, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive Activity sa Bacolod City

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang coastal clean-up drive activity sa Purok Punta Balas, Barangay Pahanocoy, Bacolod City, Negros Occidental nito lamang ika-12 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay pinagunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang Bacolod City Police Office at mga kawani ng gobyerno at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod, gayundin ang mga residente ng nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng baybayin, maprotektahan ang yamang-dagat, at mapanatili ang kaligtasan ng mamamayan laban sa mga panganib na dulot ng basura sa dagat.

Patuloy ang pagtutulungan ng grupo at ng mga iba’t ibang sektor ng lipunan upang masiguro ang malinis at ligtas na kapaligiran para sa lahat ng mamamayan ng Bacolod City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *