Awareness Lecture, isinagawa sa Bohol

Nagsagawa ng Awareness Lecture bilang parte ng Family Development Session para sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Bongbong, Catigbian, Bohol, noong ika-12 ng Marso 2025.

Nagsagawa ng Awareness Lecture bilang parte ng Family Development Session para sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa Barangay Bongbong, Catigbian, Bohol, noong ika-12 ng Marso 2025.

Ito ay pinangunahan ng Catigbian Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Bill Rico D Dupagan.

ipinaliwanag sa naturang aktibidad ang kahalagahan ng Women and Children’s Rights, na nagbibigay proteksyon sa kababaihan at kabataan laban sa anumang uri ng pang-aabuso. 

Binigyang-diin din ang lumalalang kaso ng Online Sexual Exploitation and Abuse of Children (OSAEC) at ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga bata mula sa panganib ng internet. Bukod dito, tinalakay din ang Anti-Criminality at Anti-Terrorism Tips, kung saan binigyan ng gabay ang mga residente sa kung paano mapanatili ang seguridad sa kanilang komunidad.

Kasama rin sa mga tinalakay ang Executive Order No. 70 (EO 70) at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na naglalayong tapusin ang insurhensiya sa pamamagitan ng whole-of-nation approach. 

Ipinaabot din ang patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga, na hinihikayat ang pakikiisa ng publiko upang mapanatili ang isang drug-free na komunidad.

Ang pagsasagawa ng ganitong mga programa ay nagpapakita ng dedikasyon ng gobyerno sa adhikain ng Bagong Pilipinas, na naglalayong magkaroon ng mas ligtas at mas maunlad na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *