LTO Caravan, isinagawa sa Roxas Palawan

0
viber_image_2025-03-18_10-54-22-331

Umabot sa 160 na indibidwal ang naging benepisyaryo ng isinagawang LTO Caravan na ginanap sa Roxas, Palawan nito lamang ika-15 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Land Transportation Office (LTO)-Roxas Extension Office sa pakikipagtulungan ng 2nd Palawan PMFC R-PSB Team, at ang mga Barangay Officials ng Barangay Tinitian.

Ang mga serbisyong hatid ay Medical Examination, Issuance ng Student-Driverโ€™s Permit, at libreng Theoretical Driving Course (TDC).

Ang inisyatiba na ito ay naglalayong abutin ang mga malalayong komunidad na nagdadala ng isang kailangang-kailangan na serbisyo para sa mas ligtas na paglalakbay ng mga driver at pedestrian sa mga kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *