Awareness Symposium, isinagawa sa Negros Oriental

Nakiisa sa Awareness Symposium ang mga tsuper at operator ng traysikel na ginanap sa Barangay Matauta, Tayasan, Negros Oriental, noong ika-19 ng Marso 2025.

Ito ay inisyatiba ng Tayasan Municipal Police Station na may layunin na mapalawak ang kaalaman ng publiko sa mahahalagang batas na nagpoprotekta sa mga kababaihan at kabataan.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing probisyon ng Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), Republic Act 11313 (Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law), at Republic Act 8353 (Anti-Rape Law of 1997), pati na rin ang iba pang espesyal na batas.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, nais ng gobyerno na ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng paggalang at pagbibigay-proteksyon sa mga kababaihan at kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *