Miyembro ng KKDAT, nakiisa sa dayalogo sa Cagayan
Aktibong nakiisa ang mga miyembro Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at mga mag-aaral ng University of Cagayan Valley sa isinagawang dayalogo sa Calvary Hills, Barangay Ajat, Iguig, Cagayan nito lamang ika 19 ng Marso, 2025.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Iguig Police Station, Cagayan Police Provincial Office na may layunin na palawakin ang kaalaman ng kabataan sa mahahalagang isyu tulad ng anti-vote buying/selling, anti-illegal drugs, anti-terrorism, anti-carnapping, at road safety tips.
Kasama dito ang pamamahagi ng IEC materials na binibigyang diin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa kanilang komunidad.
Sa pagtatapos ng aktibidad, nagbigay ng pasasalamat ang kapulisa sa aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral at miyembro ng KKDAT, na siyang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar. Ang ganitong mga hakbang ay patuloy na isinasagawa upang mapanatili ang ligtas at payapang komunidad para sa lahat.