Information Drive, isinagawa sa Bohol

Aktibing nakiisa ang mga kabataan at kababaihan sa isinagang Information Drive na ginanap sa Barangay Baogo, Inabanga, Bohol noong Marso 25, 2025.
Ito ay inisyatibo ng mga kapulisan mula sa Inabanga Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Albert R Sator, Chief of Police.
Tinalakay sa aktibidad ang iba’t ibang batas na naglalayong protektahan ang kababaihan at kabataan mula sa pang-aabuso at krimen. Kabilang dito ang RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) na naglalayong bigyan ng proteksyon ang mga kababaihan laban sa pang-aabuso sa loob ng tahanan. Ipinaliwanag din ang tungkol sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) upang maprotektahan ang mga bata laban sa pang-aabusong sekswal sa internet.
Bukod pa rito, tinalakay din ang RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997) upang bigyang-diin ang kahalagahan ng hustisya para sa mga biktima ng panggagahasa, at ang patuloy na kampanya laban sa iligal na droga upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng edukasyon at impormasyon sa komunidad, layunin nilang mas mapalakas pa ang kampanya laban sa kriminalidad at pang-aabuso. Sa isang bansang nagkakaisa, walang maliit o malaking sektor—lahat ay may mahalagang papel sa pagsulong ng isang mas ligtas at maunlad na kinabukasan.