Kabataan Assembly at KKDAT Orientation, isinagawa sa San Miguel, Iloilo

San Miguel Iloilo- Matagumpay na isinagawa ang Katipunan ng Kabataan Assembly at KKDAT Orientation sa Barangay San Antonio, San Miguel, Iloilo nito lamang ika-24 ng Marso 2025.

Ang nasabing pagpupulong at pinangunahan ng San Miguel Municipal Police Station na may layuning turuan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at ang banta ng terorismo sa kanilang pamayanan.

Ipinahayag ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng pagiging aktibo ng mga kabataan sa pagsugpo sa mga problemang ito sa pamamagitan ng tamang impormasyon at sama-samang pagkilos.

Matapos ang oryentasyon, opisyal ding binuo ang Barangay-Based KKDAT sa San Antonio, kung saan naganap ang halalan ng mga opisyal. Ang pagkakatatag ng organisasyong ito ay naglalayong palakasin ang partisipasyon ng mga kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay. 

Sa pamamagitan ng KKDAT, mas nagiging mulat ang mga kabataan sa kanilang responsibilidad at papel sa pagsugpo sa iligal na droga at terorismo.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng KKDAT Orientation ay isang mahalagang hakbang upang maitaguyod ang isang ligtas at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *