Miyembro ng KKDAT, nakiisa sa paghatid ng saya at tulong sa mga bata sa Child Development Center

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) katuwang ang Cagayano Cops sa paghatid ng saya at tulong sa mga bata sa Cagayan PPO Child Development Center, Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-24 ng Marso 2025.
Nagsimula ang programa sa isang panalangin, na sinundan ng welcome remarks mula kay Claire B. Allayban, CDC
Worker. Pinangunahan ni Mr. William A. Furigay II, President ng Provincial KKDAT, ang pagbibigay ng mensahe at inspirasyon katuwang sina Orelie Cue, Barangay Secretary ng Centro 5 at PCpt Divina R Lagua, OLC President.
Nakatanggap ang mga bata ng loot bags at tsinelas bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng malasakit para sa kanila at. nagkaroon din ng feeding program upang matiyak na makatatanggap ng masustansyang pagkain ang mga bata.
Layunin ng aktibidad na ito na maitaguyod ang kalusugan ng mga bata at mapanatili ang maayos at magandang samahan ng KKDAT at iba’t ibang sektor ng komunidad upang mapanatili ang kaligtasan ng pamayanan.