Mga kawani ng Barangay, nakiisa sa Awareness Symposium
Nakiisa ang mga kawani ng Barangay sa isinagawang Awareness Symposium na ginanap sa Barangay Basak, Compostela, Cebu, noong ika-31 ng Marso 2025.

Nakiisa ang mga kawani ng Barangay sa isinagawang Awareness Symposium na ginanap sa Barangay Basak, Compostela, Cebu, noong ika-31 ng Marso 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Compostela Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Lino Tryss D Galvan III, Officer-in-Charge.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kampanya laban sa insurhensiya, terorismo, ilegal na droga, at iba pang banta sa seguridad.
Tinalakay din ang mga hakbang upang maiwasan ang mga krimen tulad ng bank robbery, cybercrime, at pambobomba, pati na rin ang mga kaukulang seguridad para sa nalalapit na Pambansa at Lokal na Halalan 2025.
Sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, patuloy na pinalalakas ang ugnayan sa pagitan ng pulisya ahensya ng gobyerno at ng komunidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat mamamayan.