People’s Agenda Forum, isinagawa sa Santiago City

Matagumpay ang isinagawang “People’s Agenda” forum: Isusulong ng SAMBAYANAN 2025-2028 sa Parish of Saint James the Apostle, Barangay Centro West, Santiago City nito lamang ika-5 ng Abril 2025.


Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga kandidato para sa Mayor at Vice Mayor, pati na rin si Atty. Jenny May G. Gutierrez, City Election Officer IV ng Commission on Elections (COMELEC) at ang Santiago City Police Office.
Ito ay isang Civic Engagement Forum na inorganisa ng Santiago Ecumenical Group, na binubuo ng Episcopal Diocese of Santiago, Iglesia Filipina Independiente, Roman Catholic Church, and the United Methodist Church.
Layunin nito na magbigay ng plataporma para sa pagitan ng simbahan, mga botante, at mga nagnanais na maging opisyal tungkol sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa komunidad, bilang paghahanda para sa nalalapit na NLE 2025.