Symposium Activity, isinagawa sa San Fernando

Nakiisa sa Symposium Activity ang mga opisyal ng barangay na ginanap sa Barangay Lantawan, San Fernando, Cebu, noong ika-6 ng Abril 2025.
Ito ay pinangunahan ng San Fernando Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Michael C. Gingoyon, Acting Chief of Police.
Tinalakay sa naturang pagpupulong ang ilang mahahalagang isyu na kasalukuyang kinakaharap ng lipunan, gaya ng kampanya kontra iligal na droga (Anti-Illegal Drugs), mga hakbang laban sa terorismo (Anti-Terrorism), at ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga mamamayan ukol sa Commission on Elections o COMELEC (COMELEC Awareness), lalong-lalo na ngayong papalapit na halalan.
Layunin nito na paigtingin ang pagpapatupad ng mga programa at aktibidad para sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng buong pamayanan.