Symposium Activity, isinagawa sa Pardo National High School 

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Pardo National High School sa Symposium Activity sa Pardo, Cebu City noong ika-7 ng Abril 2025.

Ito ay pinangunahan ng Inayawan Police Station 7, sa pamumuno ni Police Captain Keneth Paul C Albotra, Acting Station Commander, na dinaluhan ng humigit-kumulang 200 na mag-aaral.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang kampanya kontra droga, mga tip sa pag-iwas sa krimen, kaligtasan sa internet, at kahalagahan ng disiplina at responsableng pagkamamamayan. 

Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na mapalapit sa sektor ng kabataan at itaguyod ang kultura ng tiwala, kooperasyon, at sama-samang pananagutan.

Layunin nitong itanim ang kamalayan ukol sa kapayapaan at kaayusan, palakasin ang adbokasiya laban sa krimen, at hikayatin ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagpapanatili ng ligtas at payapang pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *