Symposium Activity, isinagawa sa San Agustin National High School sa Leyte

Aktibok nakilahok ang mga mag-aaral ng San Agustin National High School sa isinagawang symposium ng mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay San Agustin Batbatngon, Leyte nito lamnag Abril 7, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone mark A Cartalla, Company Commander na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.

Ang mga paksang tinalakay ay Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan sa mga lumalaganap na isyu.

Ito rin ay tumutugon sa mga hamon para sa isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at payapang lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *