Symposium Activity, isinagawa sa Inayawan National High School 

Naisakatuparan ang isinagawang Symposium Activity na nilahukan ng mga mag-aaral ng Inayawan National High School, Barangay Inayawan, Cebu City, noong ika-8 ng Abril 2025.

Ito ay pinangunahan ng mga kapulisan mula sa Inayawan Police Station 7 sa pamumuno ni Police Captain Keneth Paul C Albotra, Acting Station Commander.

Ang symposium ay tumuon sa mga mahahalagang paksa tulad ng kapayapaan at kaayusan, adbokasiya laban sa krimen, at ang papel ng kabataan sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kanilang mga komunidad. 

Kabilang sa mga tinalakay ay ang masamang epekto ng iligal na droga, mga mabisang paraan upang makaiwas sa krimen, kaalaman sa cyber safety, at ang kahalagahan ng disiplina at pagiging responsableng mamamayan. 

Layon ng aktibidad na imulat ang isipan ng mga kabataan at hikayatin silang maging aktibong kalahok sa pagtataguyod ng isang ligtas na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *