Miyembro BPATs, nakiisa sa Ligtas SUMVAC 2025 sa Cagayan 

Aktibong nakiisa ang mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa puspusang paghahanda ng Cagayano Cops para sa kampanyang “Ligtas SUMVAC 2025” sa bayan ng Rizal, Cagayan nito lamang ika-14 ng Abril 2025. 

Ito ay isa sa mga hakbang sa pagpapalawak ng deployment sa mga pangunahing lansangan, terminal, simbahan, palengke, at iba pang matataong lugar. Mas pinaigting din ang presensya ng mga mobile at foot patrols upang maagapan ang anumang banta sa seguridad at mabilisang makaresponde. 

Nagtayo rin ng mga Assistance Desks sa mga strategic locations para sa agarang tulong at impormasyon sa publiko, lalo na sa mga hindi pamilyar sa lugar. 

Ang BPATs ay patuloy na makikiisa sa mga hakbangin ng gobyerno na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa panahon ng bakasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *