Barangay Advocacy Support Group, nakilahok sa proyektong Tinapay ng Buhay

0
viber_image_2025-05-07_17-00-16-375

Aktibong nakilahok ang Barangay Advocacy Support Group sa proyektong Tinapay ng Buhay, sa Kapwa Ko Iaalay nitong Miyerkules,  ika-7 ng Mayo 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Tuguegarao Component City Police Station, Cagayan Police Provincial Office, katuwang si Ma. Jovita Tomale, Presidente ng Advocacy Support Group, sa pakikipagtulungan ng Breadtalk Charity. 

Ang programa ay unang inilunsad noong ika-28 ng Enero 2025 at patuloy na isinasagawa sa lungsod. Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng tinapay sa mga tricycle drivers, construction workers, janitors, street sweepers, at mga residente ng Tuguegarao City bilang pagpapakita ng malasakit sa mga masisipag at mahalagang miyembro ng komunidad.

Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng kaunting kaginhawahan ang mga nasa hanay ng mga manggagawa habang pinalalakas ang ugnayan ng bawat miyembro ng komunidad sa pagsusulong ng isang mas maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *