Mag-aaral sa Cagayan, nakiisa sa isinagawang Crime Preventive Lecture
Nakiisa ang mga Grade IV students ng Liwan Elementary School sa isinagawang lecture ng Enrile Police Station ngayong araw, ika-17 ng Hunyo 2025 sa Barangay Liwan, Enrile, Cagayan.
Pinangunahan ni PSMS Melanie B Lasam, WCPD PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office, ang pagtalakay patungkol sa mga preventive measures laban sa rape, Children’s Rights, anti-bullying, crime prevention, at tips on Road Safety sa mga mag-aaral.
Layunin ng aktibidad na bumuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng kapulisan, paaralan at komunidad sa pamamagitan ng Project “TRUST” (To Render Unity and Safer community Through lectures and Seminars) upang mapanatili ang isang komunidad na produktibo, mapayapa, at maunlad.
Patuloy na magbibigay kaalaman at serbisyo ang pambangsang pulisya para sa isang ligtas at mapayapang bagong pilipinas.
Source: Enrile Pcr