2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED), isinagawa sa Aborlan, Palawan

Matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na ginanap sa Aborlan Central School, Barangay Poblacion, Aborlan, Palawan nito lamang ika-19 ng Hunyo 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Disaster Risk Reduction Management Operations (MDRRMO) at SFO3 Michael B Ebalin, Fire marshal mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), na nilahukan ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station at mga guro at mag-aaral ng Aborlan Central School kung saan isinagawa ang Duck, Cover, and Hold.
Layunin ng gawaing ito na palakasin ang kahandaan ng mga mamamayan sa panahon ng lindol at mapabuti ang koordinasyon ng mga ahensya sa pagtugon sa sakuna.
Source: Aborlan MPS Pcr