Higit 300 baka at kambing, nabakunahan ng Bitamina ng Office of PROV’L VET

Matagumpay ang isinagawang pagbabakuna ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET) katuwang ang Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ngayong Miyerkules, ika-18 ng Hunyo 2025 sa Barangay Macayug, Mangaldan, Pangasinan.

Pinangunahan ni Dr. Ariel Balolong, Dist. IV Veterinarian, ang veterinary mission katuwang si Dr. Wilino Zacarias, Veterinarian II, ng Lokal na Pamahalaan katuwang ang iba pang nga kawani ng Municipal Agriculture Office (MAO).

Nakapagtala ang MAO ng 106 na baka at 210 na kambing na nabakunahan ng bitamina at Hemorrhagic Septicemia (HS).

Umantabay lamang sa Public Information Office Mangaldan, Pangasinan para sa mga susunod na iskedyul ng veterinary missions at anti-rabies vaccinations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *