Bukidnon Provincial Medical Center PHU, nagsagawa ng Bloodletting Activity

Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Bukidnon Provincial Medical Center PHU sa Camp 1, Maramag, Bukidnon at Malayanan, San Fernando, Bukidnon nito lamang ika-23 ng Hunyo 2025.

Katuwang sa naturang aktibidad ang DOH, BHWs, BFP-10, iba’t ibang Advocacy Support Groups at mga residente ng nasabing lugar.

Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.

Sa kabuuan ay nasa 42 bags ng dugo sa Maramag, Bukidnon at 26 bags ng dugo naman sa San Fernando, Bukidnon ang nakolekta ng naturang grupo.

Layunin nito ang makatulong sa pagtaas ng blood supply sa mga ospital at blood banks, at kamalayan sa kahalagahan ng regular na pag-donate ng dugo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *