Paglulunsad ng Puro Kalusugan at Medical Mission, matagumpay na naisagawa sa Zamboanga Del Norte

Pormal na inilunsad ang Programang Purokalusugan kasabay ang isang Medical Mission sa Sirawai Super Health Center, Sirawai, Zamboanga del Norte nito lamang ika-21 ng Hunyo 2025.

Ang programa ay pinangunahan ng Sirawai Palm and Rubber Corporation sa pakikiisa ng 905th Maneuer Company, Regional Mobile Force Battalion 9, sa pamumuno ni Police Captain Harris A Ladja, Commander Company, ang nasabing programa.

Bilang patunay ng kanilang buong suporta, nilagdaan ang Pledge of Commitment na pinangunahan ni Police Captain Ladja kabilang sina Mayor Aljazzar Janihim SB Kasiran Bairulla, SB Sara Sumulong, DMO IV Hartina Sadalani, DTTB Fenny Quinto, ABC President Norman Wahid, mga kapitan ng barangay, mga kinatawan mula sa Sirawai Palm and Rubber Corporation at iba pang opisyal ng nasabing lugar.

Ito ay nagsisilbing panimula ng matatag na ugnayan sa pagitan ng Pamahalaang Lokal ng Sirawai at ng Department of Health sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat Sirawainon.

Ang programang PuroKalusugan ay may layuning maabot ang bawat purok ng komunidad. Isinabay ito sa isinagawang medical mission ng Sirawai Palm and Rubber Corporation, na nagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *