Drug Awareness Lecture, isinagawa sa Aborlan, Palawan

0
viber_image_2025-06-28_12-07-56-474

Matagumpay na isinagawa ang drug awareness lecture bilang suporta sa International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) na ginanap sa Aborlan Central School, Barangay Poblacion Aborlan, Palawan noong ika-26 ng Hunyo 2025.

Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station at mga guro at mag-aaral ng ika-anim na baitang ng nabanggit na paaralan.

Tinalakay sa lecture ang hinggil sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Layunin nitong magbigay kaalaman tungkol sa masamang epekto ng iligal na droga at hikayatin ang mamamayan na umiwas sa paggamit dito.

Source: Aborlan MPS Pcr

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *