BPAT’s, nakiisa sa Kapehan sa Barangay sa Cotabato

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang Kapehan sa barangay na isang best practice ng Makilala Municipal Police station sa Barangay Biangan, Makilala, Cotabato nito lamang ika-1 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Makilala Municipal Police Station, ang nasabing kapehan sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Dolly C Oranza, Officer-In-Charge ng nasabing istasyon.

Ang nasabing kapehan sa barangay ay isang best practice kung saan sabay nagkakape ang mga tauhan ng Makilala PNP kasama ang mga BPAT’s o mga opisyales ng barangay at mga residente.

Dito inihahayag ng komunidad ang kanilang mga isyu at alalahanin.

Sa pagtatapos, ang komunidad at pulisya ay gagawa ng mga maaabot at napapanatiling solusyon.

Ang kapehan sa barangay ay isang maayos na inisyatibo at proactive measures upang mas lalong maging matibay ang ugnayan ng pulisya at komunidad sa mga alalahanin tungkol sa kapayapaan at kaayusan ng lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *