5-Mins Response Live Simex, ikinasa ng PRO6 kasama ang mga LGU Officials ng Iloilo City

0
viber_image_2025-07-10_13-48-12-050

Pinangunahan ni Police Brigadier General Josefino D Ligan, Acting Regional Director ng Police Regional Office 6, ang matagumpay na 911 5-minutes live simulation exercises katuwang ang mga pangunahing opisyal ng lokal na pamahalan ng Iloilo City na pinamumunuan ni Mayor Hon. Raisa S. Treñas sa 8th Floor Penthouse Auditorium ng Iloilo City Hall nito lamang ika-9 ng Hulyo, 2025,

Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang kahandaan ng mga lokal na awtoridad sa pagresponde sa iba’t ibang uri ng emergency situations sa loob lamang ng limang minuto.

Matagumpay na naipamalas ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang kanilang bilis, koordinasyon, at epektibong aksyon sa apat na magkakaibang emergency scenarios. Ito ay patunay ng kanilang kahandaan sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Mas lalong pinatampok sa nasabing aktibidad ang mahusay na koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City at ng kapulisan.

Ang pakikibahagi ni Mayor Treñas at ng iba pang city officials ay malinaw na nagpapakita ng matatag na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatibong pangseguridad ng PRO 6.

Ang kanilang aktibong pakikilahok ay nagpapalalim sa ugnayan ng mga ahensya at nagpapatibay ng isang Whole-of-Government Approach sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

Ang nasabing simulation exercises ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng LGU, komunidad at PNP na palakasin ang kahandaan at pagkakaisa ng mga kinauukulang ahensya upang agarang makaresponde sa anumang banta sa seguridad lalo na sa buong Western Visayas region.

Source: PRO 6 PUBLIC INFORMATION OFFICE FB PAGE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *