LGU Santo Tomas, nakiisa sa Drug Free Workplace Orientation Seminar at Drug Testing

0
viber_image_2025-07-10_14-58-28-035

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Lokal na pamahalaan ng Santo Tomas sa isinagawang Drug Free Workplace re-Orientation Seminar at Drug Testing sa Bayan ng Santo Tomas, Isabela kahapon ika-9 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni Police Major Rufo A Figarola Jr, hepe ng Santo Tomas Police Station, katuwang si Hon. Leandro Antonio Talaue, Mayor ng nasabing lugar, mga empleyado ng Local Government Unit ng Santo Tomas, Isabela, Rural Health Unit, Bureau of Fire Protection at Santo Tomas Police Station.

Nagsagawa din ng lecture kaugnay sa droga at drug testing sa lahat ng tauhan ng local government unit, Rural Health Unit, Bureau of Fire Protection at Santo Tomas Police Station, sa DOH accredited testing center upang masiguro na ang empleyado ay walang anumang bahid ng anumang iligal na droga.

Layunin ng aktibidad na masiguro na ang lahat ng kawani ng gobyerno ay hindi sangkot o nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot, at nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng isang ligtas, maayos at produktibong kapaligiran para sa mas ligtas na pamahalaan.

Source :Santo Tomas PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *