Clean-up Drive, isinagawa sa Iligan City

Nagsagawa ng clean-up drive ang Alsons Power Group of Companies sa Barangay Dalipuga, Iligan City, Lanao del Norte nito lamang ika-11 ng Hulyo, 2025.
Aktibo rin sa nakilahok ang mga miyembro ng Task Force Bantay Dagat, Barangay officials, at volunteers.
Tinatayang nasa 10 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang kanilang nakolekta mula sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagkalat ng sakit at polusyon sa komunidad.
