Fake News Lecture, isinagawa sa Zamboanga City

Matagumpay na naisagawa ang fake news lecture sa Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City nito lamang ika-14 ng Hulyo 2025.
Pinangunahan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 9 sa pamumuno ni Police Lieutenant Esnang S Sarapuddin, Officer-In-Charge ng RPCADU 9, katuwang ang Regional Anti-Cyber Crime Unit 9 sa pangunguna ni Patrolman Aeron Joy Arquiza, PCR PNCO ng RACU 9 at nilahukan ito ng mga opisyal ng nasabing barangay.
Tinalakay sa isinagawang lektura ang kaalaman na patungkol sa fake news at iba’t ibang paalala upang maisawan ang mga krimen sa komunidad.
Layunin ng nasabing aktibidad na makapag-bigay impormasyon para sa kaligtasan ng mamamayan at maiwasan ang mga krimen sa nasabing barangay.

