KKDAT, lumahok sa Anti-Terrorism at Drug Awareness Program sa South Cotabato

Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Anti-Terrorism at Drug Awareness Program bilang bahagi ng Katipunan ng Kabataan Assembly na ginanap sa Barangay San Isidro, Sto Niño, South Cotabato nito lamang ika-13 ng Hulyo 2025.

Pinangunahan ni PEMS Joven L Sumugat, MESPO ng Sto Niño Municipal Police Station, ang pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa terorismo at illegal na droga sa mga kabataan sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Raymon L Faba, Hepe ng nasabing istasyon.

Tinalakay sa mga kabataan ang terorismo at ang panganib na dulot nito.

Hinihikayat na huwag basta bastang sumanib sa mga teroristang grupo sapagkat gagamitin para sa kanilang interes na maghasik ng kasamaan sa komunidad.

Binigyang-diin din ang mga uri ng iligal na droga maging ang mga masasamang epekto nito sa katawan maging sa kinabukasan.

Layunin ng mga programang ito na maiwasan ng mga kabataan na maging biktima ng terorismo at droga.

Ito ay isang kamalayan at paunawa sa mga kabataan tungkol sa mga masasamang banta na dulot ng mga ito. Hinihikayat din na suportahan ang mga programa ng gobyerno laban sa iligal na droga at terorismo upang masugpo na ang problemang ito at maging mas ligtas at payapa ang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *