BPATs, nakiisa sa Yearly Tree Planting Activity

Nakiisa sa isinagawang yearly tree planting activity ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeeping Action Team sa Barangay Dalupirip, Itogon, Benguet noong ika-12 ng Hulyo 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, katuwang ang mga tauhan ng Itogon Municipal Police Station, PHILEX Mining Scholars, CENRO Baguio, at mga barangay officials.
Ang mga nasabing grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng 500 na punla ng pinetree seedlings.
Layunin ng aktibidad na makatulong sa pangangalaga ng kalikasan, mapalakas pa ang ugnayan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at komunidad, at upang maiwasan ang lumalalang epekto ng climate change.
