Clean-up Drive, pinangunahan ng KKDAT sa Natonin, Mt. Province

Pinangunahan ng mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), katuwang ang mga mag-aaral ng Natonin Stand Alone Senior High School (NSAHSHS), Sangguniang Kabataan at ilang youth volunteers, ang isinagawang clean-up drive sa Natonin, Mt. Province sa huling araw ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 noong Hulyo 13,2025.
Sama-sama nilinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagpulot at pagsunog sa mga nakakalat na basura.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito ay muling pinatunayan ng kabataan na hindi lamang Kontra Droga at Terorismo, kundi Pro-Kalinisan din.
Ang aktibidad ay nagsilbi ding paalala na ang tunay na pamumuno ng kabataan ay nagsisimula sa malinis na kamay, malinis na puso, at isang malinis na komunidad.
Ang simpleng aktibidad na ito ay isang malaking hakbang para sa mas ligtas, mas maayos, at mas maunlad na kinabukasan.

